Bongabon Today

Bongabon Municipal Tourism Development Council – Quarterly Meeting

Bongabon Municipal Tourism Development Council - Quarterly Meeting

Ginanap ang Quarterly Meeting ng Bongabon Municipal Tourism Development Council noong Lunes ika-7 ng Disyembre 2020 sa Jaime L. Gamilla Multi Purpose Hall. Ito ay dinaluhan ng mga miyembro at ng ilang piling panauhin kasama si Konsehal Victor Dela Cruz na nag welcome sa lahat.

Hinikayat ng ating Punong Bayan Allan Xystus Gamilla ang lahat na magtulong tulong para sa gradual opening ng turismo ng bayan, pinasalamatan din niya ang mga Bongabueños sa patuloy na pakikiisa para malabanan ang Covid19 na kung saan ang Turismo ay isa sa mga naapektuhan.

Bahagi ng meeting ay ang presentation ng Tourism Head ng Nueva Ecija na Si Atty. Jose Ceasar San Pedro na kung saan ay ipinaliwanag niya ang Tourism branding ng Nueva Ecija kasama na din ang pagdaraos ng 321Go, isang Biking Event ng Probinsya.

Kasama din sa pagpupulong ang NEUST team na nagpaliwanag naman sa Insectarium at Biodiversity Program na hangad na maging bahagi ng ating Eco Tourism Park sa Labi. Ito ay pinangunahan nina Dr. Miguel Santos at Mr. Jan Rames Tumbaga.

Ang Bike Tourism na binibigyan pansin ng ating Council na kung saan ay naging panauhin si Mr. Edrie Ocampo na isang bihasang siklista. Dito ay naipaliwanag ang kahalagahan ng biking at ang mga plano sa mga susunod para sa biking tourism ng Bongabon.

Mapalad ang Bongabon dahil isa ang ating bayan sa tinitingnang may potensyal para sa Eco Tourism ng bansa.

previous arrowprevious arrow
next arrownext arrow
Slider