Kasaysayan ng Bongabon

Ang Bongabon ay unang kabisera ng Nueva Ecija. Ito ay nangyari dahil kinakitaan ng ganda, kasiglahan at oportunidad na umunlad.

Ang mga misyonaryong Agustino na nagtuturo ng Katolisismo sa Pampanga ay nagawang marating ang Nueva Ecija sa pagsunod nila sa Rio Grande dela Pampanga. Kung kaya, ang Santol (na ngayon ay Barangay Santor) na noon ay bahagi ng Pantabangan at naitatag noong 1659. Noong unaang parokya ng Santor ay nasasakupan lamang ang Bongabon bilang visita ng Parokya at dahil sa madaming nagbago tulad ng pagdami ng tao at pagkakaroon ng mga simbahan, paaralan at ilang maliliit na negosyo, noong October 1760 ay naging ganap na bayan ang Bongabon at ang Santor ay ginawa na lamang visita ng Bongabon.

Nang maganap ang rebolusyon ng Pilipinas labas sa Espanya na nagsimula noong taong 1896 hanggang 1898, ang Bongabon ay nagingkuta ng mga Espanyol, maraming sakripisyo ang nagyari sa mga taga Bongabon noon subalit sa tulong ng Philippine Revolutionary at Republican troops kasama ang mga rebeldeng Katipunero, samasama nilang sinalakay ang bayan ng Bongabon at nilabanan ang Spanish Colonial forces at ito ay napagtagumpayan nila at nabawi ng tuluyan ang munisipyo.

Nang sumiklab naman ang Philippine–American War noong 1899 hanggang1902, ang bayan ng Bongabon naman ay nasakop ng tropa ng mga Amerikano. Ito ay naging bunga ng laban ng mga Amerikano at ng tropa ng mga rebolisyunaryong Pilipino at mga Katipunero sa naganap na “ Battle of Bongabon” noong 1899.

Sa kasalukuyan, bakas pa rin ang mga makasaysayang lumipas ng Bongabon. Nariyan ang mga guho ng sinaunang gusali ng “commandancia” o ang gusali ng kapitolyo na matatagpuan sa likod ng plaza na nasunog ilang taon mataposa ng ikalawang digmaang pandaigdig. Buhay pa din at napapakinabangan ang tinawag na tulay na bato na ipinangalan din sa nasabing barangay, isa ito sa mga nalalabing Spanish colonial arch bridge sa lalawigan.

Tunay na makasaysayanang bayan ng Bongabon mula sa pagdating ng mga misyoneryong Agustino hanggang sa dumating ang mga Espanyol at mga Amerikano- subalit hindi natinag ang mga mamamayan ng Bongabon at patuloy na gumuhit ng kasaysayan.

Ang pagsasaka ang bumuhay sa mga mamamayan ng Bongabon, dito ay ang pagtatanim ng mga gulay at palay lang alam nilang pagkakitaan hanggang sa dumating ang panahon na madiskubre nila sa pangunguna ni Gng. Mary Aves na sa lupain ng Bongabon ay angkop sa pagtatanim ng sibuyas. Naging matagumpay ang mga magsasaka na makapagtanim ng sibuyas . Hanggang sa ngayon, ang Bongabon ang kasalukuyang umaani ng halos 65% ng sibuyas na pinakikinabangan ng buong bansa, maging sa SouthEast Asia.

Dahil sa tinaguriang “Onion Bowl of the Philipines” ang Bongabon, noong 2008, sa pangunguna ni Mayor Amelia Gamilla, sinimulanang “Sibuyas Festival” na ang layunin ay ipag diwang ang masaganang ani ng sibuyas at pagyamanin ang kultura ng Bongabon sa pamamagitan ng ibat ibang makabuluhang pag titipon at mga aktibidad na mag bibigay ng saya at sigla sa mga mamamayan ng Bongabon,isa na dito ang Street Dancing nangayon ay isa na sakinikilala.

Patuloy ang pagunlad ng bayan ng Bongabon na ngayon ay kinikilala bilang isa na mayroong “Seal of Good Local Governance”, Child Friendly Municipality at ang pagiging 2nd class municipality.

Sa taong ito ay ipagdiriwang – ng ika 258 taong ng pagiging bayan at ang pagkakatuklas ng nakatagongsibilisasyon ng ating mga ninuno.

Makasaysayan at tunay na dapat pahalagahan ang ahat ng nangyari sa Bongabon.