Bongabon Today

Kauna-Unahang Pagtataas ng Watawat Ngayong 2021

Kauna-Unahang Pagtataas ng Watawat Ngayong 2021

Ginanap ang kauna unahang pagtataas ng watawat ngayong taong 2021. Na pinangunahan ng ating butihing Punong Bayan Allan Xystus A. Gamilla Pangalawang Punong Bayan Hernan Andres at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga hepe ng bawat tanggapan ng LGU Bongabon at National Agencies.

Ang Pagtataas ng Watawat na ginanap ay makasaysayan dahil ito ay ipinagpaliban sa loob ng sampung buwan dahil sa pandemya dinaranas sa ngayon.

Sa talumpati ng Punong Bayan kanyang pinasalamatan ang mga kawani na nagsilbing frontliners at gumanap sa ilang maseselang tungkulin para makaiwas ang ating mga kababayan sa COVID-19, sa huli kaniyang hinikayat ang bawat isa para sa tuloy tuloy na kooperasyon at pagkakaisa.

Sinigurado naman ang pagsunod sa mga health protocols katulad ng pagsusuot ng FaceMasks, Social Distancing at pagsusuri ng Body Temperature ng lahat ng mga dumalo.

previous arrowprevious arrow
next arrownext arrow
Slider