Bongabon Today

Onion Seeds Distribution Program

ONION SEEDS DISTRIBUTION PROGRAM

Minarapat ng ating mahal na Punong-Bayan Mayor Allan Xystus A. Gamilla na tulungan ang ating mga magigiting na magsisibuyas na kumasa sa programang Onion Early Planting na programa ng Pamahalaang Bayan. Ang Onion Early Planting program ay direct seedng na pagtatanim ng sibuyas sa buwan ng Agosto at Setyembre upang hindi makasabay sa dagsa ng ani ng sibuyas sa regular planting.

“Second wave is real”, ika nga lalo ngayong panahon ng pandemya.

Ang mga magsasakang nabigyan ng ikalawang batch ng binhi ng sibuyas ay ung mga magsasaka na kasama sa Early planting subalit namatay ang sibuyas bunsod sa sunod- sunod na malalakas na ulan, dulot ng magkasunod na bagyo. Halos 100 ektarya ang naitanim na sibuyas sa ilalim ng nasabing programa. Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni Mayor Allan ang kahalagahan ng mga magsasaka lalo lnagyong panahon ng pandemya.

Aniya, maraming program ang pamahalaang Bayan upang iayos ang mga sistema sa sektor ng Agrikultura. “Basta naka-mapa ang inyong bukid, at aktuwal kayong nagsasaka, registrado, at hindi tayo nakatingin sa pulitika ay makakakuha kayo ng ayuda”, ani ni Mayor Allan Gamilla.

previous arrowprevious arrow
next arrownext arrow
Slider